Nag-post ng mga larawan sa kani-kanilang Instagram account sina Joey de Leon at Paolo Ballesteros bilang "Barbie," ang movie character na ginampanan noon ng Henyo Master ng "Eat Bulaga."
Mula kay Joey noong 1990's, ipinasa naman kay Paolo ang naturang karakter ni Barbie, na muling mapapanood sa pelikula.
"Opo, nanganak si Diana Ross este, si Bartolome pala at ayan dumidila pa! Nov. 29 yata bobongga! #BarbiDWonderBeki@pochoy_29," saad ni Joey sa caption ng larawan nila Paolo.
"I love you and thank you! ???????????? @angpoetnyo #BarbiDWonderBeki," sabi naman ni Paolo sa kaniyang caption sa larawan na makikita sa kaniyang IG account.
-- FRJ, GMA News