Nasawi ang isang batang papatawid sa kalsada matapos siyang masagasaan ng isang van sa Maynila.

Sa ulat ng 24 Oras nitong Miyerkoles, mapapanood sa CCTV ang akmang pagtawid ng bata.

Pagtakbo niya sa kalsada, eksakto namang paparating ang isang itim na van, at doon na siya nabundol nito.

Sa halip na huminto, nagdire-diretso lamang ang van, na hinarang ng mga residente sa lugar kalaunan.

Base sa panayam ng barangay chairman sa lugar kung saan naganap ang insidente, sinabi ng driver na hindi niya napansin na may tumawid na bata, at hindi niya naramdamang may nasagasaan siya.

Nasa trabaho noon ang ama ng bata habang dumiretso ang ina nito matapos malaman ang insidente. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News