Sa kulungan ang bagsak ng dalawang Pakistani matapos masabat sa kanila ang hinihinalang ketamine na nasa P235 milyon ang halaga sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing isinagawa ang buy-bust operation sa isang hotel sa nasabing lugar.

Mahigit 40 kilo ng hinihinalang ketamine ang dala-dala umano ng mga suspek.

Itinanggi ng mga suspek na sangkot sila sa ilegal na kalakaran ng droga.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News