Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking nahuling nanloob sa isang convenience store sa Novaliches, Quezon City.

Naabutan pa ng mga pulis ang suspek sa loob mismo ng tindahan sa Barangay Nagkaisang Nayon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Nakuha mula sa suspek ang mahigit P25,000 na cash at mga kaha ng sigarilyo.

Nakita sa CCTV ang pagpasok at pagnakaw ng suspek.

Sinampahan na ng reklamong robbery ang suspek, na umamin naman sa krimen.

Ayon sa pulisya, hindi ito ang unang beses na nasangkot sa pagnanakaw ang suspek.

"Meron siyang robbery case na three counts na-file na case noon... Meron isang case na theft sa Caloocan din," ani Police Lieutenant Colonel Reynaldo Vitto, commander ng Novaliches Police Station. —KG, GMA Integrated News