Napanalunan ng isang mananaya ang P102,254,379.40 jackpot prize sa Lotto 6/42 draw nitong Sabado, November 4, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 07-34-11-26-05-06.

Sa Facebook page ng PCSO, nakasaad na may 69 na mananaya ang nanalo ng second prize na may premyong P24,000.00.

BASAHIN: Halos P100-M jackpot sa Megalotto 6/45 walang nanalo; iba pang major draw, higit P90-M na ang premyo

VIEW LOTTO RESULTS

Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55 na may premyong P97,451,197.20.

Wala ring nanalo sa nakaraang mga major draw na mahigit P90 milyon ang premyo.

  • Ultra Lotto 6/58: P94,199,198.80
  • Megalotto 6/45: P99,729,945.40
  • Superlotto 6/49: P93,667,013.60

-- FRJ, GMA Integrated News