Isang anti-aging pill na nagpapahaba ng buhay at nagpapanatiling malusog ang mga aso ang pinag-aaralan ngayon ng mga siyentipiko upang alamin kung maaari na rin itong gamitin sa mga tao.

Sa ulat ng NextNow, sinabing sumasailalim ngayon sa pag-aaral ang pill na Rapamycin, na kayang baguhin ang metabolism ng isang hayop, base sa tests na ginawa sa Texas A&M University.

Kung gagamitin ang pill sa tao, maaari itong maging epektibong pangontra sa stress, na isa sa nagpapabilis ng pagtanda o aging.

“It decreases the amount of stress essentially on the body and how we interpret stress from a cellular level and decreases oxidative stress. And we think that over time, this could influence how we age,” sabi ni Dr. Genna Atiee ng Texas A&M University.

Kadalasang ginagamit ang Rapamycin sa cancer at organ transplant patients.

Kung gagamitin bilang anti-aging, babaguhin ang dosage at paraan ng pag-intake nito.

Sa kasalukuyan, patuloy ang eksperimento sa epekto ng gamot sa mga matatandang aso.

Limandaang aso na edad pito pataas ang oobserbahan sa loob ng tatlong taon.

“People have this very altered phenotype, or we can look at people and see that they look different and they act different, they live in different places. And our dogs have those same attributes that are all variable. And so they also have very similar physiology as people. Our hope is that from the inception of this project, it was the idea that dogs could be a great model for human aging,” sabi pa ni Atiee. —VBL, GMA Integrated News