Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang dami ng mga nagpatala para makakuha ng Philippine Identification System (PhilSys) o National ID, ang isa sa mga dahilan kaya naantala ng pag-imprenta ng mga ID card.
“The reason for the delay [in printing] is the high volume in the registration… We didn’t expect it,” sabi ni PSA chief Dennis Mapa sa virtual press briefing.
Ayon kay Mapa, hanggang nitong October 17, nasa 74.28 milyong Filipino na ang nagparehistro sa PhilSys o sumailalim sa pagkuha ng demographic and biometric information.
“This already represents 98.7% of the population ages 15 years and above… and represents 80% of target [registrants] for 2022,” patuloy niya.
Sa naturang bilang, may kabuuang 51.23% ang sumailalim sa backend identity verification, “to determine if the person registering is unique.”
Ayon pa kay Mapa, nakapagbigay na ang PSA ng unique 12-digit PhilSys number sa mahigit 45 milyong nagpatala, mula iyan sa 51 milyon na sumailalim sa backend verification process.
“Out of this, we have already dispatched/turned over to the Philippine Post Office a total of 22.55 million PhilID cards,” patuloy ng opisyal.
Sa naturang bilang, sinabi ni Mapa na naipadala na ng PhilPost ang 17.6 milyong PhilID cards hanggang nitong October 14.
Nasa 19 na milyon naman ang itinuturing ni Mapa sa ngayon na backlog.
“The exceptional pace of meeting the registration target created a substantial gap among the accomplishment rates of the registration which is moving very fast, the backend identity verification, and subsequently the delivery of the PhilIDs,” paliwanag niya.
Sa nasabi ring briefing, inihayag ni Information and Communications Undersecretary Dennis Villorente, na malulutas ang nasabing backlog sa loob ng apat na buwan.
Habang naghihintay ng actual national IDs, sinabi ni Mapa na gumawa ang PSA ng digital version ng PhilSys o ePhilID, na maaaring maimprenta sa PSA registration centers.
“The issuance of printed ePhilID is to complement the delivery of the physical cards from the printing facilities of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) so that the registered person can immediately utilize the benefits of the PhilSys such as faster and seamless transaction in accessing financial and social protection services requiring proof of identity subject to authentication,” anang opisyal.
Sinabi rin ni Mapa na nakikipagtulungan ang PSA sa BSP para magdagdag ng dalawa pang linya para sa printing facilities.
Plano umano ng PSA na tumaas ang printing capacity ng national ID cards sa 130,000 per day mula sa nasa 80,000 per day. — FRJ, GMA News