Inihayag ng Singapore-based business process outsourcing (BPO) firm na Everise Holdings Inc., na naghahanap sila ng 2,000 work-from-home staffs sa Pilipinas para palakasin ang kanilang operasyon sa Manila.
Sa pahayag nitong Lunes, sinabi ng Everise na nais nilang dagdagan ang kanilang 3,000 tauhan sa Manila; at 12,000 sa buong mundo.
"We are a people-first company who has entrepreneurship and innovation in our DNA," sabi ni Everise founder and chief executive officer Sudhir Agarwal. "It is critical that we live these values during a crisis to offer a superior brand experience."
Nitong weekend, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tinatayang 6,000 ang job opening sa BPO industry bunga ng paglakas muli ng nabanggit na industriya sa harap ng coronavirus pandemic.
Ayon sa Everise, sa nakalipas na dalawang taon ay milyon-milyong dolyar ang kanilang inilaan para sa gamit, pagsasanay ng mga tauhan, infrastructure at security practices para makapagtrabaho sa mga bahay ang kanilang mga tauhan.
"We engineered home-based operations such as remote recruiting, virtual training and on-boarding, and business intelligence," sabi Agarwal.
"As a result, all of our solutions, including omnichannel customer service, tech support, fraud detection, and community moderation, chatbots and natural language interactive voice response systems, can be delivered from home," dagdag niya. --FRJ, GMA News