Walang-awang binaril ng isang lalaki ang alagang aso ng isang pamilya sa harap pa man din ng mga bata sa San Pedro, Laguna.

Ayon sa ulat ni Jam Sisante-Cayco sa GMA News TV "Quick Response Team" nitong Lunes, kasama ng mga bata sa basketball court ang kanilang aso nang bigla na lang itong paputukan ng isang kabarangay.

Nakatakbo pa raw pauwi ng bahay ang aso at doon na ito binawian ng buhay.

Umiyak at naglupasay ang mga batang magkakapatid habang pinapanood ang paghihingalo ng kanilang alaga. Buntis pa naman daw ito.

Nagsampa na ng reklamo laban sa suspek ang ina ng mga bata. —NB, GMA News