Inilahad ng kapatid ni Celine Dion na wala nang kontrol ang Canadian singer sa mga muscle ng katawan nito dahil sa rare neurological disorder na stiff-person syndrome.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing ito ang ibinahagi ng ate ni Celine na si Claudette sa isang panayam.
Sa kabila nito, patuloy sa pakikipaglaban sa sakit ang 55-anyos na tinaguriang "Queen of Power Ballads."
Ayon pa kay Claudette, kabilang sa mga pangarap nilang magkapatid ang makabalik pa sa stage si Celine.
Inilahad ni Celine ang kaniyang rare condition noong nakaraang taon.
Napakapambihira umano ng neurological disorder na tumama na sa kaniya "which affect something like one in a million people."
Wala pa ring lunas sa ngayon ang stiff-person syndrome. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News