Itinanghal na Best Picture sa Metro Manila Film Festival 2023 ang "Firefly," habang ang cast member nito na si Euwenn Mikaell ang nagwagi bilang Best Child Performer.

Sa ginanap na Gabi ng Parangal ngayong Miyerkules ng MMFF 2023, itinanghal na second Best Picture ang "Gomburza," at sinundan ng "Mallari" at "When I Met You in Tokyo."

Sampu ang lahat ng pelikulang kalahok ngayon sa MMFF.

Samantala, kasama ni Euwenn na naging nominado bilang Best Child Performer sina Jordan Lim ng “Rewind” at Erin Espiritu ng “K(ampon).”

Ang “Firefly” ay official entry ng GMA Public Affairs and GMA Pictures sa 2023 MMFF, na tungkol sa batang hinanap ang mythical island na laging ikinukuwento ng kaniyang ina.

Sa direksiyon ni Zig Dulay, kasama sa pelikula sina Alessandra de Rossi, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Epy Quizon, Yayo Aguila, Max Collins, at may special participation si Dingdong Dantes.—FRJ, GMA Integrated News