Ipinakita ng isang lalaki mula sa Mabalacat, Pampanga ang matinding paghanga niya sa dating PBA star player at basketball legend na si Robert Jaworski Sr.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing gumawa si Danilo Coma ng isang milyong dedikasyon na alay niya sa kaniyang idolong si Jawo.

Nakita ni Jawo noong 2019 ang artworks ni Coma at pinirmahan ng dating basketball star na naging dating senador din.

Sinimulan umano ni Coma ang kaniyang one million dedication kay Jawo noong 2010.

Nitong nakaraang Marso, ipinagdiwang ni Jawo ang kaniyang ika-78 taong kaarawan.

Ipinagkaloob naman kay Jawo at kapuwa niya dating PBA star player na si Ramon Fernandez ang Lifetime Achievement Awards mula sa Philippine Sportswriters Association noong Marso 2022.-- FRJ, GMA Integrated News