Pinag-aaralan ngayon sa bansang Belgium ang antibodies sa dugo ng hayop na liyama para alamin kung puwede nga ba itong magamit bilang panlaban sa COVID-19.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabi ng mga eksperto na ang liyama at iba pang kabilang sa "camel" family ay may kakayahang gumawa ng bersiyon ng antibodies na puwede raw ipangdagdag sa bakuna ng mga tao na mahina ang immune system.

Sa mga paunang pag-aaral, nakita raw na mabisa ang antibodies ng liyama laban sa mga variant.--FRJ, GMA News