Namangha at naluha sa tuwa ang isang lalaki nang makita niya sa unang pagkakataon ang mukha ng kaniyang nobya sa araw ng kanilang kasal. Kahit kasi apat na taon na silang magkakilala, hindi nakita ng lalaki ang mukha ng babae dahil may suot itong niqaab.
Sa video ng GMA News Feed, sinabing mula sa isang Kristiyanong pamilya si Mehdi Isa Arathoon, samantalang Muslim naman si Mubina Mustafa.
Naging magkaklase ang dalawa sa psychology class sa University of Toronto.
Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nang magpatulong si Mehdi kay Mubina sa kanilang assignment.
Nang lumalim pa ang kanilang relasyon, umanib na sa Islam si Mehdi.
Makalipas ang ilang buwan, nag-propose si Mehdi kay Mubina.
Mula nang maging magkaibigan at maging magnobyo, hindi tinanggal ni Mubina ang kaniyang niqaab kaya hindi nakita ni Mehdi ang kaniyang mukha.
"On our wedding, my face was not covered. Why? Because the men and women were separated and when my husband had to see my face, we actually went to a private room and that's when he got to lift my veil," sabi ni Mubina.
"When I finally saw her face it was shocking - I didn't know how to react! My first word was like, 'Wow!" sabi ni Mehdi.
"I felt a little weird because I'd spent four or five years without seeing her face... I started tearing up," Mehdi.
Sabi pa ni Mehdi kay Mubini kung bakit niya ito pinakasalan kahit hindi pa nakikita ang kaniyang mukha: "Sweetheart, I fell in love with you for your personality. Your face was just a bonus."
Tunghayan ang kanilang kuwento sa video.
--FRJ, GMA News