Namangha ang mga dalubhasa nang malaman na mayroon mga "bansot" na giraffe sa Namibia, Uganda.

Kilala ang mga giraffe sa kaniyang tangkad at mahabang leeg para maabot ang mga pagkaing dahon sa mga matatayog na puno at halaman.

Ayon sa ulat ng Reuters, kung ang karaniwang giraffe ay umaabot sa 15 hanggang 20 talampakan ang taas, ang giraffe na bansot sa Namibia ay tinatayang 8.5 talampakan lang ang taas, habang 9.3 talampakan naman ang taas ng giraffe sa Uganda.

 

 

"It looks like a very young, one year old giraffe. So, yes, we were definitely all very surprised to see it and we went about doing a little bit of research to figure out what was going on," ayon kay Julian Fennessy, co-founder ng Giraffe Conservation Foundation.

"Unfortunately we'd probably need to do some genetic work, if we want to understand more but we can definitely tell that it is a dwarf giraffe," dagdag niya.

Pangkaraniwan naman daw ang haba ng leeg ng dalawang giraffe pero maigsi ang kanilang mga binti.--Reuters/FRJ, GMA News