Namangha ang maraming tao sa Japan nang gumuhit sa kalangitan nitong Linggo ng madaling araw ang tila bolang apoy na biglang nagsabog ng liwanag at hindi na umabot sa lupa.
Sa Twitter post ng NHK WORLD, makikita ang ilang video footage ng pinaniniwalaang bulalakaw na nasilayan sa iba't ibang lugar sa Japan.
People across wide areas of Japan were treated to a spectacular light show in the early hours of Sunday, thanks to what is believed to be a meteor. pic.twitter.com/r0HfI082SK
— NHK WORLD News (@NHKWORLD_News) November 30, 2020
Sa video, tila ito bolang apoy na bumabagsak mula sa kalangitan at biglang naglaho matapos magsabog ng matinding liwanag.
Ayon sa ulat, nakita ang pambihirang pangyayari sa malaking bahagi sa kanluran ng Japan.--FRJ, GMA News