Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinasilip sa public demo ng isang Japanese firm ang kanilang "flying car."

Sa Twitter post ng Agence France-Press, tila sasakyan na napapanood sa mga sci-fi movies ang pag-ingat sa lupa ng prototype ng sasakyan na tulad ng isang malaking drone.

May isang tao na nakasakay sa test flight ng kakaibang sasakyan na mayroong walong rotors at dalawang propeller sa apat na kanto ng sasakyan.

 

 

Sa naturang kauna-unang public demo na isinagawa ng kompanyang SkyDrive sa isang kontroladong lugar, lumipad ang sasakyan sa tagal na apat na minuto pero hindi binanggit kung hanggang gaano kataas ito umangat sa lupa.

"We want to realize a society where flying cars are an accessible and convenient means of transportation in the skies," sabi ni SkyDrive CEO Tomohiro Fukuzawa sa isang pahayag.--AFP/FRJ, GMA News