Patuloy na dinarayo ng mga taga-Bohol tuwing Undas ang umano'y 'di naaagnas na bangkay sa bayan ng Anda sa lalawigan ng Bohol.

Sa ulat ng "Unang Balita," mula pa noong 1953, dinaragsa na ng mga deboto and bangkay ni Potenciana Saranza o mas kilala bilang "Inday Potenciana."

Ayon sa mga deboto, tumutupad umano si Inday Potenciana ng mga kahilingan at nakapagpapagaling ng mga may sakit.

Itinuturing na na tourist destination ang Inday Potenciana Shrine sa loob ng Anda Cemetery. —LBG, GMA News