Nagrereklamo na ang manunulat na si Nicholas Kaufmann dahil sa mga mensahe na natatanggap niya na para umano sa abogadong si Nicholas Kaufman, na magtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Tila napagkakamalan ng mga Pinoy na tagasuporta at kritiko ni Duterte si Kaufmann [na dalawa ang "N"], bilang ang abogadong si Kaufman [na isa lang ang "N"]

“I am being absolutely flooded today with followers and commenters from the Philippines who I guess don't believe I'm not Duterte's lawyer,” the author said in a post on Tuesday, April 1.," saad ni Kaufmann sa Facebook post.

“Our names aren't even spelled the same (he's Kaufman with one N). It's insane!” dagdag ng panunulat.

Noong nakaraang March 21, nag-post na si Kaufmann sa Facebook ng mensahe na: “PEOPLE OF THE PHILIPPINES, I AM NOT THE ICC LAWYER NICHOLAS KAUFMAN WHO IS REPRESENTING PRESIDENT DUTERTE! PLEASE STOP MESSAGING ME!”

Naka-pinned na sa kaniyang profile ang naturang post.

Sa kaniyang pinakahuling post, may nagtanong sa manunulat kung pro o anti Duterte ang mga nagpapadala sa kaniya ng mensahe.

“They started out pro-Duterte, but lately I'm getting some anti-Duterte commenters from the Philippines who are apologizing for the others and calling many of them bots,” sagot ni Kaufmann sa comment section.

Isang critically acclaimed author mula sa US si Kaufmann, at nominado para sa Bram Stoker Award, Thriller Award, at Shirley Jackson Award para sa kaniyang mga gawa sa horror at suspense.

Samantalang ang British-Israeli lawyer na ni Kaufman, ang mangunguna sa defense legal team ni Duterte sa paglilitis na gagawin ng ICC. —mula sa ulat ni Giselle Ombay/FRJ, GMA Integrated News