Ikinatuwa ni Boy Abunda na pinaunlakan siya ni Bea Alonzo para makapanayam sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

Sa pagsisimula ng naturang episode, ipinakilala ni Tito Boy si Bea at tila akmang magyayakapan ang dalawa  para magbatian ngunit hindi natuloy kaya naupo na lang sila.

“This is an interview that people thought would never happen,” panimula ni Tito Boy.

“I know,” tugon naman ni Bea.

“So let me start by saying that may I have a consent to hug you?” tanong ni Tito Boy sa aktres.

“Tito Boy, ang hug hindi na pinagpapaalam pa,” masayang sagot naman ni Bea.

Sa yugtong ito, kapuwa tumayo ang dalawa at nagyakapan nang mahigpit.

Kinumusta ni Tito Boy si Bea tungkol sa kaniyang buhay.

“Um, I'm just really enjoying my life. I guess I'm embracing the uncertainty. Kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin, pero God's plans are always better. And so I'm just here to embrace the uncertainty kung ano yung nakalaan para sa akin,” anang Kapuso actress.

Matatandaang naghiwalay sina Bea at dating fiance na si Dominic Roque sa pagsisimula ng taon.

“Well, I've always known I am resilient but I didn't know I'm this resilient,” ani Bea.

“Yes, it made me stronger. And na-realize ko at natutunan kong i-cancel talaga ‘yung mga noise na hindi kailangan sa buhay ko. And just accept or embrace, again, the magic word, those opinions that add value to my life,” pagpapatuloy niya.

Matatandaan na si Tito Boy ang naglabas ng balita sa "Fast Talk With Boy Abunda" noong Pebrero na naghiwalay na talaga ang dalawa batay sa kaniyang mga mapagkakatiwalaang sources.

Hindi nagtagal, naglabas na rin ng opisyal na pahayag sina Bea at Dominic para kumpirmahin na tinapos na nila ang kanilang engagement.

Kasama sa pahayag ng dalawa ang pagpuna sa mga ulat na kinumpirma ng ibang tao ang kanilang paghihiwala nang hindi nagpapaalam sa kanila.

Sa isang report, hindi na sumagot si Tito Boy sinabing sa pagkakataon na iyon ay pipiliin na muna niyang manahimik.


 

Episode ng Fast Talk nitong Huwebes, sinabi ng King of Talk na, "You and I, I think, share the same idea that we should close the discussion about your past relationship. And I want to do it here, at least on behalf of myself.”

Tinanong niya si Bea kung paano idadaan ng aktres sa salita ang pagsasara ng yugto sa hiwalayan nila ni Dominic.

“It’s so hard. I mean, that's a very hard question. But, siguro top of mind, na naisip ko lang ngayon, maraming salamat. I'm grateful to all the beautiful memories and even the not so beautiful memories because it made me stronger, it made me who I am right now. Yeah. Ang hirap ng tanong!” sabi ni Bea, na bida ngayon sa Kapuso Primetime series na "Widows' War" kasama si Carla Abellana. -- FRJ, GMA Integrated