Inilahad ni Bea Alonzo na hindi naging madali ang prosesong pinagdaanan nila ng ex-fiancé na si Dominic Roque bago humantong sa mutual decision na maghiwalay na at huwag nang ituloy ang kanilang kasal.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, binalikan ni Tito Boy ang isang pahayag ni Bea sa “24 Oras” noong Hunyo na sinabi niyang: "Hindi ako ang nakipag-break."

BASAHIN: Dominic, tinanong ukol sa pahayag ni Bea sa kung sino ang nagpasimula ng breakup nila

Matapos nito, may pahayag naman si Bea sa isang digital platform and magazine na sinabi niyang “mutual decision” ang hiwalayan nila ni Dominic, na tila taliwas sa nauna niyang sinabi.

“Tito Boy, not that I owe anyone an explanation. I really don't want to talk about this anymore,” panimula ni Bea.

“But to answer your question, baka nga may mga nalilito. During that time that I did Tatler, that was like a month ago? Kasi po, bago sila makapag-release ng July issue or even more, I don't remember when that was but medyo matagal na. So that was the only time I kind of talked about it. Because I was asked. I don't know. I kind of talked about it there,” paglilinaw niya.

“And then 24 Oras, I didn't have the intention to talk about it. Because I really wanted to give respect to the relationship that was,” pagpapatuloy ni Bea.

Ayon sa Kapuso actress, kinailangan niyang itama ang impormasyon na siya umano ang nakipaghiwalay.

“But then merong comment si Nelson, our friend Nelson (Canlas). Before his comment, we were talking about fake news and all that. And then I was so comfortable talking to him as if walang camera sa harapan. And then he went like, sabi niya, ‘Siyempre ikaw ‘yung nakipag-break, hindi nila alam, mahirap din sa 'yo.’”

“And para it was like an instinct, I had to correct him, but I didn't have any intention to really talk about it,” paliwanag niya.

Matapos nito, hindi na raw pinili pa ni Bea na sagutin ang follow-up question.

Ngunit ayon sa kaniya, nagkasundo sila ni Dominic na maghiwalay na.

“It became a mutual decision eventually. Of course we worked it out, right?  You know, it was a very serious relationship obviously,” saad niya.

“So we didn't take the decision lightly. It was a process, it was a long process. Eventually it became mutual. Both parties agreed and wala namang...” sabi ni Bea na hindi na itinuloy pa ang ibig ipaliwanag.

“Okay. I'll stop there,” sabi ni Tito Boy, at nagpasalamat naman ang aktres.

Enero 2021 nang magkaroon ng relasyon sina Bea at Dominic . Naging engaged ang dalawa noong July 2023, at nakatakda sanang magpakasal ngayong taon.

Pero nitong nakaraang Pebrero, inilahad ni Boy Abunda sa kaniyang programang "Fast Talk With Boy Abunda" na naghiwalay na ang dalawa batay sa kaniyang mga mapagkakatiwalaang sources.

Hindi nagtagal, naglabas na rin ng opisyal na pahayag sina Bea at Dominic para kompirmasyon na tinapos na nila ang kanilang engagement.

Gayunman, hindi sinabi nina Bea at Dominic kung ano ang dahilan ng kanilang breakup.--FRJ, GMA Integrated News