Hindi na kailangang bumiyahe pa sa probinsiya ang mga taga-Metro Manila na naghahanap ng pasyalan na perfect sa bonding ng pamilya at barkada. Puwede ritong kumain at may water activities pa. Alamin kung saan ito.
Sa programang “Unang Hirit”, pinuntahan ni UH Funliner Jenzel Angeles ang 10-hectare Alvarez Park Cafe na matatagpuan sa Tagalag Fishing Village sa Barangay Tagalag, Valenzuela City.
Tinaguriang all-in-one pasyalan ang Alavarez Park Cafe dahil lahat nandito na ang lahat ng kakailanganin ng mga nais mamasyal at magbonding.
Bukod sa masasarap na pagkain tulad ng Western, Chinese at Filipino food, marami rin ang puwedeng gawin naturang lugar.
May mga water activities gaya ng kanilang fishing villa kung saan puwedeng mamingwit ng isda, mag-kayak, water bikes at boating.
Instagrammable rin ang lugar dahil sa magagandang nature views. Patok din ang kanilang mga Christmas displays tulad ng giant Santa Claus na 10 feet ang taas.
Kung gusto namang makapagmuni-muni sa buhay, puwede rin subukan ang kanilang floating restaurant at cafe. Tunghayan sa lugar sa video ng "Unang Hirit." --FRJ, GMA Integrated News