Hindi kayo namamalik-mata dahil ang pilikmata talaga ng isang bata sa Anda, Bohol--puting-puti. Paano nga ba iyon nangyari? Alamin.

Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ng mag-asawang Dexter at Jennifer, na normal naman daw nang isilang ang kanilang apat na taong gulang na anak na si Dee Jhay, na takaw-pansin ang pilikmata.

Una raw napansin na may kakaiba sa pilikmata ng bata tatlong araw matapos itong isilang dahil hindi itim ang kulay ng kaniyang pilikmata.

At habang lumalaki, lalo pang tumingkad ang pagiging puti ng mga buhok sa mga mata ni Dee Jhay.

Sa pamilya, tanging si Dee Jhay lang daw ang "kakaiba." Ang hinala ng ilang kapitbahay nila, baka "anak-araw" o albino ang bata.

May nakakaisip din na baka pampasuwerte ng bata ang maputi nitong pilikmata, o baka naapektuhan sa gamot, o dahil sa pinaglihian ni Jennifer habang siya ay buntis.

Pero bago maipasuri sa espesyalista kasama ang "KMJS" team, lumitaw na bukod sa pilikmata, may ipinakita pa si Jennifer sa katawan ni Dee Jhay na maputi rin.

Alamin sa video na ito "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang sinasabing kondisyon ng bata na dahilan kaya maputi ang kaniyang pilikmata at hindi raw mawawala. Panoorin.

--FRJ, GMA News