Sa buwan ng Agosto pumapatak ang tradisyon ng mga Chinese na "ghost month" para gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Totoo nga bang malas ang buwan na ito at papaano naman ito makokontra?
Sa programang "Unang Hirit," sinabi ng feng shui expert na si Jean Yu-Chua, na batay sa Chinese calendar, nagsimula ang ghost month ng July 19 at matatapos sa August 26.
Hindi naman daw talaga malas at dapat katakutan ang ghost month pero panahon ito ng dagdag na pag-iingat tulad sa pagnenegosyo at pamamasyal.
Bukod sa pag-aalay ng dasal, mga pagkain at iba pang ritwal para sa mga yumao, alamin sa video ang mga dapat gawin para maging protektado ngayong ghost month. Panoorin. --FRJ, GMA News