Nagluluksa ang esports community sa pagpanaw ng kilalang Dota shoutcaster na si Aldrin Paulo Pangan, na kilala bilang si "Dunoo."
Pumanaw si Pangan nitong Biyernes, na kilala rin sa tawag na Kuya D" sa gaming world.
Si Pangan, ay Dota 2 shoutcaster na kasama si Marlon "Lon" Marcelo, na markado sa kanilang pagiging energetic at mga hirit na "lakad matatag" at "normalin."
Ilang gaming at esports organizations ang nag-post ng kanilang tribute para kay Pangan sa social media, kabilang ang LuponWXC, na kinabibilangan niya.
"Your legacy will always remain as the best caster para saming lahat and one of the best friend na we can ever have. Lakad Matatag brother! We’ll miss you!," saad sa post.
Today is a sad day for the Dota community and Filipino esports as we have lost one of our voices.
— Team Secret (@teamsecret) August 27, 2021
Lakad matatag in peace Dunoo, you will be missed. ???? pic.twitter.com/EZ2x1TF8VC
Sa kaniyang Facebook fan page, nag-post si Pangan ng ilang live videos nitong nakaraang mga linggo kaugnay sa pakikipaglaban niya sa sakit.
Isa sa mga video, nalagyan niya ng caption na "COVID Day 5".
May nabanggit din si Marcelo patungkol sa COVID-19 sa kaniyang post, habang hinikayat ng LuponWXC ang publiko na magpabakuna.
—FRJ, GMA News