Nakunan ng isang YouTuber ang pag-crash ng kaniyang drone sa bunganga ng Fagradalsjfall Volcano sa Iceland.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, mapapanood sa video ng YouTuber na si Joey Helms ang nakamamanghang pagbulwak at pag-agos ng mainit na lava sa bulkan, na nakuhanan gamit ang drone.
Pero ilang saglit pa, nag-crash na ang drone sa mismong bunganga ng bulkan, dahilan para matapos na rin ang video.
"Around the volcano you have the hot gasses emitted that caused turbulances all around it and hot rocks raining on to you. Flying with these things is even more tricky," sabi ni Helms.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News