Mayaman sa sugar, fats at anti-oxidants, talaga namang mainam para kay baby ang gatas ng ina. Pero ang ilang mommies, ginagamit na rin itong sabon at mayroon pa raw skincare benefits?
Sa "Dapat Alam Mo!" ikinuwento ng young mommy na si Claudine na oversupply siya ng kaniyang gatas kumpara sa iniinom ng kaniyang baby. Kaya naman naibabahagi pa niya ito sa ibang nanay.
"More water lang. Siyempre you should be hydrated, then eat healthy. Meron ding boosters na nagpapalakas ng gatas, but add-ons lang 'yun eh. Ang talagang mahalaga is 'yung consistent removal ng milk from the body para mag-produce ng mas marami pang milk," sabi ni Claudine.
Hanggang sa maisip ni Claudine na gamitin ang sobra niyang gatas sa paggawa ng sabon. Sa halagang P300 makagagawa na siya ng 12 breastmilk soap na maaaring gamitin ng hanggang anim na buwan.
Ayon kay Claudine, nagamot ang kaniyang pimples at acne nang gamitin niya ang kaniyang breastmilk soap.
Ang kaniyang kaibigang si Cale na may acne problem, lumambot din ang balat sa mukha nang gamitin ang breastmilk soap ni Claudine.
"Breast milk is generally intended for newborn babies. The main components are sugar, fats and antioxidants. If we use it as a soap maybe it can be useful in terms of using it as an antioxidant," sabi ng isang eksperto.
Paano nga ba ginagawa ang breastmilk soap? Tunghayan sa "Dapat Alam Mo!"--FRJ, GMA News