Sa "Sumbungan ng Bayan," may ginang na humingi ng payo kung matatawag bang legal at may bisa ang isang kasal kung ang lalaking napangasawa ay "pinikot" lang?
Kasama rin sa itinanong kung may habol ba ang misis at ang kaniyang mga anak sa anumang benepisyo hiwalay na sila ng kaniyang mister.
Ayon kay Atty. Rowena Daroy Morales, ang anomang kasal ay mananatiling legal hanggang hindi nagpapasya ang korte na ito ay walang bisa.
At kahit matagal nang hiwalay ang mag-asawa, mananatili ang karapatan ng misis bilang "legal wife" at kanilang mga anak sa benepisyo at ari-arian ng lalaki.
Maaari din umanong mawalan lang ng bisa ang kasal kung ang kabiyak o asawa ay namayapa na.
Tunghayan ang buong pagtalakay sa naturang usapin sa video.
Mayroon ding ginang na nagsangguni tungkol sa ginawang pag-iwan sa kaniya ng mister at ipinaubaya sa kaniya ang responsibilidad sa walo nilang anak.
Alamin ang payo ni Atty. Daroy Morales sa naturang ginang.
--FRJ, GMA News