Ayon sa isang psychologist at life coach, karaniwan na raw ngayong pandemic ang interpersonal violence o galit ng isang tao. Ang bahagi umano ng utak na "amygdala" ang responsable sa emosyon ng tao na kung minsan ay nauuwi sa pagiging marahas sa kapwa.

Gaya na lang ng ilang insidente ng away sa kalye na nakuhanan ng video kahit pa mayroong pandemic. Panoorin ang video na ito ng programang "Alisto."

At kung sakaling masangkot sa gulo, anong parte nga ba ng  katawan ang dapat protektahan kapag naipit na sa suntukan para makaiwas sa posibleng panganib?

Ayon sa isang neurologist, ang ulo ang unang dapat protektahan.

Kahit umano walang makitang pisikal na pinsala sa labas ng ulo, maaari namang magkaroon ng problema sa utak. Sa pamamagitan ng pakwan,  ipinakita ang posibleng mangyari sa ulo kapag pinalo o tinamaan ng matigas na bagay. Panoorin ang video.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News