Nag-trending kamakailan ang #CancelKorea matapos na punahin ng mga Koreano ang isang tattoo ng Filipino-American Tiktoker na si Bella Poarch. Ang mga Pinoy, dinepensahan naman ang kanilang kababayan. Ano nga ba ang ugat ng kanilang pagtatalo at bakit naging isyu ang naturang tattoo?

Sa ulat ni Shai Lagarde sa "Stand For Truth," makikita ang dance post ni Bella kung saan napansin ng netizens ang tattoo sa kaniyang braso na puso na may disenyo ng Rising Sun ng Japan.

Ang naturang disenyo ng tattoo ay simbolo daw ng imperial army ng Japan noong World War II, na maihahalintulad sa Nazi symbol para sa mga biktima ng holocaust.
Kabilang ang South Korea sa mga bansang sinakop noon ng Japan noong WW II at nakaranas ng matinding kalupitan sa kamay ng mga sundalong Hapon.

Humingi naman ng paumanhin si Bella at sinabing hindi niya alam na opensibo at sensitibo ang kahulugan ng kaniyang tattoo na ginaya niya sa isa niyang idolo.

Dahil dito, nagbigay ng mga racist na komento umano ang ilang Koreano tungkol sa Pilipinas, na inalmahan naman ng mga Pinoy.

Hindi naman nagustuhan maging ng Pinoy K-Pop fans at ilang Koreano ang mga below the belt the reaksyon.

"The nature of social networking sites is rather combative and netizens are usually swept by the emotions that could translate rapidly to insensitive collective thinking," sabi ni Prof. Kyung Min Bae ng Fellow UP Korea Research Center.

"So in many cases these causes on social issues are blown out of proportion and lead into very toxic and insensitive exchange of ideas," patuloy niya.

Pero bakit nga ba ganito ang naging reaksiyon ng mga Pinoy sa komento ng mga Korean sa isyu ng tattoo ni Bella, gayung ang Pilipinas ay nakaranas din ng matinding kalupitan sa  mga sundalong Hapon ng panoong ng digmaan?

Tunghayan ang buong usapin sa video na ito "Stand For Truth."-- Jamil Santos/FRJ, GMA News