Ang Baguio City ang kinilalang modelong lungsod sa paglaban sa nakamamatay na COVID-19. Ngayon naman, kung magkakaroon din ng modelong lungsod sa implementasyon ng social distancing, tiyak na hindi rin magpapahuli ang City of Pines.
Tunghayan sa ulat na ito ng "Stand For Truth" ang ginagawang hakbang ng mga awtoridad para maipatupad ang social distance sa mga matataong lugar tulad ng mga palengke sa pamamagitan ng tinatawag na “Distancing Discs.”
Ngunit hindi lang ang mga opisyal ang gumagawa ng paraan upang maipatupad ang social distancing. Dahil maging ang isang jeepney driver ay sineryoso ang patakaran para hindi magkatabi-tabi ang kaniyang mga pasahero. Panoorin at may pa-alcohol pa si mamang driver.
--FRJ, GMA News