Sa programang "Pinoy MD," ikinuwento ni Princess ang napansin siyang pagbabago sa kulay ng kaniyang ihi na naging madilaw at mabula. Nang nagpasuri siya sa doktor, doon niya nalaman na mayroon na pala siyang Chronic Kidney Disease (CKD). Ano nga na ang normal na dapat na kulay ng ihi? Alamin.
"Ang ihi po ay yung resulta ng metabolismo ng ating katawan. Yung hindi po kailangan natin ay dito natin itinatapon o tinatanggal; mga toxin, everything, chemical," ayon kay Dr. Rolando "Oyie" Balburias, Internist.
Sa kaso ni Princess, napag-alaman na mahilig siya sa maaalat na pagkain, hindi palainom ng tubig, may alta-presyon, pabalik-balik na UTI (urinary tract infection) at madalas na magpigil ng pag-ihi.
Panoorin ang buong pagtalakay ng "Pinoy MD" sa usaping pangkalusugan na ito:
--FRJ, GMA News