Normal lang ba at bakit nga ba tinitighiyawat ang mga babae kapag dumarating ang kanilang buwanang 'dalaw'? Alamin ang paliwanag dito ng resident dermatologist ng programang "Pinoy MD" ni Dr. Jean Marquez.
Ayon kay Dra. Marquez, norman lang ang pagkakaroon ng tighiyawat sa isang babae kapag mayroon buwanang dalaw dahil sa pagtaas ng testosterone sa katawan.
Paliwanag niya sa unang bahagi ng 28 days na cycle ng menstruation, ang estrogens ang mataas at progesterone naman sa ikalawang bahagi.
Pero kapag malapit na ang pagdating ng buwanang "dalaw," ang antas naman testosterone [male hormone] ang tumataas at ito dahilan para maging oily ang skin ng babae at nagdudulot ng taghiyawat.
Panoorin ang buong paliwanag tungkol dito ni Dra. Marquez, at ang iba pang tugon niya sa mga katanungan tungkol sa "tagulabay" o ang pamamaga ng balat.
Click here for more GMA Public Affairs video:
-- FRJ, GMA News