Arestado ang isang 26-anyos na lalaki matapos niyang saksakin ang lalaking naghatid sa kanyang misis sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Huwebes.
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alamang nakita ng suspek ang kanyang asawa at biktima na sakay ng motor, ayon sa ulat ni GMA Integrated News reporter Bea Pinlac sa Super Radyo dzBB nitong Sabado.
Nagtalo ang dalawang lalaki at nagselos umano ang suspek.
Nauwi sa pananaksak ang kanilang pagtatalo.
Naidala sa ospital ang biktima na nagtamo ng sugat sa dibdib.
Posibleng maharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na napag-alamang isang security guard.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek. —KG, GMA Integrated News