Nasa maayos nang lagay ang isang dalawang taong gulang na babae matapos umano siyang malason sa nakain niyang dahon sa Lezo, Aklan.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, isinalaysay ng ina ng bata na nagulat siya nang bigla na lamang umiyak, namaga ang labi at sumuka ng dahon ang kaniyang anak.

Pinatulog muna ang bata at hindi na isinugod sa ospital.

Suspetsa ng ina na dahon ng tanim nilang halaman ang nakain ng bata dahil nakitang may kagat ito. – Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News