Isang babae sa Labo, Camarines Norte ang pinagtataga hanggang sa mapatay dahil umano sa tsismis, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes mula sa GMA Regional TV Balitang Bicolandia.

Kinilala ang biktima na si Alma Espalmado habang ang suspek ay kinilala lamang sa alyas na Naldo.

Batay sa imbestigasyon, nag-ugat ang away ng dalawa sa pagpapakalat umano ng biktima ng tsismis online laban sa suspek.

Tumakas ang suspek matapos ang krimen ngunit nahuli rin ng mga otoridad kinalaunan. Wala siyang pahayag.  —KBK, GMA Integrated News