Pinagtataga at napatay ang isang mag-ina ng mismong kamag-anak nila sa Asturias, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Martes, kinilala ang mag-inang biktima na sina Landrea Gemongala, 67-anyos, at anak niyang si Artemio, 31-anyos, ng Barangay Ban-ban.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na si Jeperson Ortelano, na kamag-anak ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, dating drug surrenderer si Ortelano, at nakulong naman kinalaunan dahil sa kasong may kaugnay sa ilegal na droga.

Sasampahan ng kasong double murder si Ortelano.--FRJ, GMA Integrated News