Ramdam na sa bayan ng Tagkawayan, Quezon ang bagsik ng Tropical Depression Amang, at ang malakas at tuloy-tuloy na ulang dala nito ay nagpabaha sa ilang lugar ng bayan .

Lubog na sa baha ang maraming lugar dahil sa pag-apaw ng San Jose Creek sa Barangay Sta. Cecilia dahilan upang malubog din sa baha ang daan.

Dali-daling nagtaas ng gamit ang mga residente.

Binabaha rin, umaga nitong Miyerkoles, ang bahagi ng Quirino Highway sa Barangay Tabason, at Barangay Magsaysay.

Nakaantabay naman ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Tagkawayan sa mangyayari para sa agarang aksyon. —LBG, GMA Integrated News