Sugatan ang mag-asawa sa Vintar, Ilocos Norte matapos silang atakihin ng isang lalaki at pagpapaluin ng martilyo. Ang babeng biktima, ginahasa pa umano.
Sa ulat ni CJ Torrida sa GMA Regional TV "One North Central Luzon" nitong Biyernes, sinabing nagpapagaling ang mga biktima na residente ng Barangay Canaam.
Ayon sa pulisya, natutulog ang mag-asawa sa bunkhouse nang pumasok ang salarin na armado ng martilyo at patalim.
Nagawa ng lalaking biktima na makatakas para humingi ng tulong, habang ginahasa naman ang babaeng biktima.
Kinalaunan, naaresto ang suspek sa tulong ng mga tauhan ng barangay. Dinala naman sa pagamutan ang mag-asawa.
Inamin ng suspek ang krimen ang pag-atake pero itinanggi niyang ginahasa niya ang babae.
Lasing umano ang suspek at hindi alam ang ginawang krimen.
Ayon sa pulisya, dati nang naharap sa reklamong rape ang suspek.
Sinampahan siya ngayon ng kasong two counts ng frustrated murder at rape.--FRJ, GMA Integrated News