Dinisenyuhang mala-palasyo ng isang guro sa Masbate City ang kanilang classroom para mahikayat ang kaniyang nursery students na pumasok sa eskwelahan.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia na iniulat din sa Unang Balita nitong Martes, sinabi ni teacher Rodora Alba na naisipan niya ito para ganahan din sa pag-aaral ang kaniyang mga estudyante.
Dahil dito, halos wala nang batang lumiliban sa klase.
Plano na ngayon ng kanilang principal na gawan na rin ng disenyo at tema ang iba pang silid-aralan para mahikayat ang iba pang mga mag-aaral. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News