Isang hinihinalang improvised explosive device o IED ang sumabog sa loob ng pampasaherong bus sa Tacurong City, sa Sultan Kudarat, umaga ngayong araw ng Linggo.
Ayon sa post ng GMA Regional TV One Mindanao sa Facebook, sinabing isa ang idineklarang nasawi habang higit-kumulang 10 naman ang bilang ng mga sugatan dahil sa insidente
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na nangyari ang pagsabog sa Park Yellow Bell sa Barangay New Isabela dakong 11 a.m.
Ang bus ay nagmula sa Kidapawan City at patungo sana ito sa Tacurong Public Terminal nang mangyari ang insidente, dagdag pa ng mga awtoridad.
Isa ang nasawi at ang mga sugatan ay agad na dinala sa ospital.
Sa isang hiwalay na ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB, sinabing isa ang namatay sa pagsabog habang apat naman ang isinugod sa St. Louis Hospital.
1 ang patay habang 4 na iba pa ang sugatan sa pagsabog sa isang bus sa Tacurong City, Sultan Kudarat. | Via Carlo Mateo
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 6, 2022
????: 594 kHz AM band
????: https://t.co/Jl7zdr26Yg
????: https://t.co/Jy4ATG1v0v
Agad namang kinordunan ng pulisya ang lugar kung saan naganap ang pagsabog upang i-assess ang sitwasyon.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung anong uri ng eksplosibo ang ginamit sa pagpapasabog at kung ano ang motibo sa likod ng insidente. —LBG, GMA Integrated News