Itinatapon na lamang ang karton-kartong kamatis ng mga magsasaka sa Lantapan, Bukidnon dahil hindi maibenta ang mga ito.
Batay sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, sinabi sa Unang Balita na ayon sa mga magsasaka, wala umanong masyadong bumibili ng kamatis at nabubulok na lamang ang mga ito.
Gayon din umano ang sitwasyon sa Westbound Market sa Cagayan de Oro City.
Kung dati umano ay naibibenta nila ng P700 hanggang P1,000 ang isang karton ng kamatis, ngayon ay masuwerte na umano kung maibenta nila ng P300.
Isa sa mga nakikitang dahilan ay ang pagtigil ng orders sa ibang mga lugar. —LBG, GMA News