Isang mag-inang senior citizen ang nasawi nang makulong sila sa nasusunog nilang bahay sa Gattaran, Cagayan.
Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Miyerkules, kinilala ang mga biktima na sina Marcelina Bernardo, 90-anyos, at anak niyang si Roger, 70.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nakalabas na umano sa kanilang nasusunog na bahay ang mag-ina pero bumalik si Marcelina para kunin ang titulo ng lupa.
Sinundan naman siya ng anak para sagipin pero pareho na silang hindi nakalabas pa.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na tumagal ng dalawang oras.--FRJ, GMA News