Nasawi ang isang buntis na rider matapos na mabangga ng isang pang motorsiklo sa Silay City, Negros Occidental.

Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Aizel Alvarez, na apat na buwang buntis.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na bigla umanong lumiko pakaliwa si Alvarez kaya nasalpok ng paparating na motorsiklo na minamaneho naman ni John Carlo Saldo.

Nagtamo ng matindang sugat si Alvarez na dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Sugatan naman at nagpapagaling sa ospital ang angkas ni Alvarez, gayundin si Saldo at ang angkas nito. --FRJ, GMA News