Kinamanghaan ang isang 20 taong gulang na buwaya sa Rodriguez, Rizal, dahil sa hindi pangkaraniwan nitong balat na kulay dilaw.
Sa ulat ni Drew Arellano sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, tinukoy ang naturang buwaya bilang isang High Yellow Indo-Pacific saltwater crocodile.
"'Yung crocodiles at ibang reptiles na may high yellow mutation, meron silang tinatawag na condition na 'overexpression' ng yellow pigments nila. Kaya ang appearance nila 'pag nakikita natin sila ay kulay dilaw sila predominantly," sabi ni Noel Rafael, Curator and Conservation Program Director ng Avilon Zoo.
Gayunman, pareho pa rin sila sa pangkaraniwang buwaya.
"Ang behavior nila is really very similar to the normal crocodiles that we see," ayon kay Rafael. -Jamil Santos/MDM, GMA News