Ibinalik sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City simula sa Biyernes na tatagal hanggang sa katapusan ng Nobyembre dahil sa pagtaas ng mga kaso COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na magtatayo ng One Hospital Command Center sa lungsod para sa pagtugon sa mga pasyente.
Inatasan din ang mga pribadong ospital na dagdagan ang kanilang ward bed occupancy ng hanggang 30 porsiyento.
“Further, efforts will be made to address the shortage of nurses in health facilities and to provide additional high-oxygen cannula, favipiravir (Avigan), remdesivir, medical equipment, among others,” ayon kay Roque.
Gagamitin din ang ilang accommodation establishments bilang quarantine facilities para sa mga health worker at mayroon ding isolation facility para sa mga COVID-19 patient.
Itinalaga naman ng COVID-19 task force si Melquiades Feliciano, deputy chief Implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa lungsod, Bacolod at Cebu, para tumulong kung kakailanganin ang suporta.
Bago nito, nakapailalim sa modified GCQ ang Davao City na makapagtala ng 5,541 COVID-19 cases, at halos 2,000 ang aktibong kaso. — FRJ, GMA News