Anim katao, kabilang ang isang buntis at isang bata, ang nasugatan sa pag-atake ng unggoy na long-tailed macaque sa Isabela, Basilan.
Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Huwebes, sinabing apat na tao ang unang nakagat ng unggoy sa Barangay Aguada noong Sabado.
Sa sumunod na araw, isang bata naman ang nakagat pa ng unggoy sa Barangay Riverside, at ang buntis sa Barangay Menzi.
Hindi pa malaman ng mga awtoridad kung ilan ang unggoy na nang-aatake pero dalawang unggoy na ang kanilang nahuli at dinala city forest park.
Isa umano sa nahuling unggoy ay may kadena dahil nahuli na ito noon pero nakatakas.
Binigyan naman na anti-rabies ang mga biktima na nagpapagaling sa sugat na kanilang tinamo.
Pinaalalahanan din ng mga awrtoridad ang mga residente na huwag lalapitan ang mga unggoy, huwag bigyan ng pagkain at huwag sasaktan.--FRJ, GMA News