Nagtulong-tulong ang mga mangingisda na hulihin ang isang dambuhalang buwaya na nakita nilang palutang-lutang sa karagatan sa Simunul, Tawi-tawi. Pero may nagsasabing hindi dapat hinuhuli ang mga ito kung hindi naman nagdudulot ng panganib sa tao.
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinakita ang video nang makita ang mga mangingisda ang buwaya na unang inakala daw na troso lang na palutang-lutang sa dagat.
Nang mahuli na ang buwaya at dalhin nila sa pampang, dito na nakita kung gaano talaga kalaki ang buwaya na halos 18 talampakan ang haba.
Halos hindi magkasya sa truck ang buwaya sa laki ng buwaya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may nahuling malaking buwaya sa lugar.
Noong 2017, halos 17 talampakan na buwaya rin ang nahuli at pinangalanang Papa Buls.
Magkasama ngayon ang dalawang dambuhalang buwaya sa crocodile farm.
Gayunman, may nagsasabing dapat hayaan sa kanilang naturang na tirahan ang mga buwaya kung hindi naman banta sa kaligtasan ng mga tao. Pero iba ang pananaw dito ng mga mangingisda.
Panoorin ang buong detalye sa video na ito.
--FRJ, GMA News