Isang lalaking may sakit at naka-colostomy bag ang inaresto ng mga awtoridad sa Nabua, Camarines Sur matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.
Ayon sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Martes, may shabu raw na nakita ang mga awtoridad sa bahay ng suspek.
Nakapag-test-buy din daw ang mga pulis sa suspek.
Sabi naman ng suspek, madalas ay nakahiga lang siya sa bahay nila kaya hindi niya alam paano nagkaroon ng ilegal na droga sa kanyang bahay.
Ayon sa mga pulis, maaaring bigyan ng special consideration ang suspek dahil ito ay may sakit.
Bislig City
Samantala, sa Bislig City, Surigao del Sur, inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa isang buy-bust operation.
Sugatan ang suspek matapos sinubukan umanong tumakas nang makatunog na pulis ang kanyang katransaksiyon.
Nang-agaw pa raw ng baril ang suspek.
Nakuha sa suspek ang P500 marked money, drug paraphernalia at pakete ng hinihinalang shabu. —KG, GMA News