Nasunog ang Kalibo Public Market sa Aklan madaling-araw nitong Linggo.
Sa ulat ng GMA News, sinabi ng lokal na pamahalaan na nagsimula ang sunog sa meat section at kumalat ang apoy sa iba pang mga bangketa ng pamilihan.
Hatinggabi umano nagsimula ang sunog, at naapula ito dakong alas-tres na ng madaling araw.
Wala naman umanong nasawi o nasugatan sa insidente.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng pagsiklab ng apoy at ang halaga ng pinsala ng sunog. —LBG, GMA News